Wala pang natatanggap na impormasyon ang Independent Commission for Infrastructure o ICI hinggil sa pagbuwag dito, ayon kay ICI Executive Director Atty. Brian Hosaka.
Taliwas ito sa pahayag ni Senator Imee Marcos na nakatanggap umano siya ng impormasyon na bubuwagin ang komisyon sa Pebrero.
Matatandaang nag-resign si dating Department of Public Works and Highways Secretary Rogelio Singson bilang commissioner ng ICI noong Disyembre.
Sinundan ito ng pagbibitiw sa puwesto ni Commissioner Rossana Fajardo.
Kasalukuyang si Chairperson Andres Reyes at dating Special Investigator Gen. Rodulfo Azurin Jr. ang natititrang mga miyembro ng ICI.
Matagal nang binabatikos ng mga kritiko ang ICI na sinasabing walang transparency at kredibilidad. | via Ghazi Sarip
