Inutusan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang PhilHealth na magpatupad ng general amnesty para sa mga hindi nabayarang kontribusyon ng mga employer, negosyante, at self-employed.
Kabilang sa amnestiya ang one-time waiver sa interest at penalties ngayong 2026.
Layunin nito na bawasan ang pasaning pinansyal ng mga Pilipino at tulungan silang mabayaran ang matagal nang utang sa PhilHealth nang walang dagdag na singil.
Bibigyan ang mga employer ng isang taon para bayaran ang mga missed contributions mula Hulyo 2013 hanggang Disyembre 2024.
Tinatayang 300,000 miyembro ng PhilHealth ang makinabang sa programa.
Hinikayat ng Pangulo ang mga employer na i-update ang kanilang records at siguraduhing rehistrado ang lahat ng manggagawa sa PhilHealth Yakap Program, na layong palawakin ang coverage at pagandahin ang access sa serbisyong pangkalusugan.
Ani Marcos, ang hakbang ay bahagi ng mas malawak na plano ng administrasyon na pababain ang gastos sa healthcare at tulungan ang mga Pilipino sa tumataas na gastusin at iba pang hamon. | via Allan Ortega
