Utang ng Pilipinas, lumobo sa record-high na ₱17.65-T

Itinuturing ngayong isang record high ang utang ng Pilipinas.

Batay sa tala ng Bureau of the Treasury, umakyat sa ₱17.65 trillion ang kabuuang utang ng bansa noong November 2025.

Mas mataas ito ng 0.49 percent kumpara sa naitalang ₱17.56 billion noong Oktubre.

Anila, bunga ito ng mga bagong utang sa loob at labas ng bansa.

Malaking porsiyento nito o 69 percent ang utang sa local financial institutions na tumaas sa P12.12 trillion pesos.

Samantala, bumagsak sa panibagong all-time low ang piso laban sa dolyar nitong Miyerkules.

Umabot sa P59.355 ang piso kada dolyar, habang inaasahan ng merkado ang posibleng karagdagang rate cuts ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Naapektuhan din ang palitan ng matapos ang opensibang militar ng US sa Venezuela.

Tinatayang gagalaw ang palitan sa P59.25 hanggang P59.50 sa malapit na panahon.

Inaasahang mananatiling mahina ang piso hangga’t walang malinaw na senyales ng polisiya at sapat na inflows mula sa remittances at turismo. | via Alegria Galimba

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *