Itinaas ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang alert status ng Bulkang Mayon sa Alert Level 3 dahil sa patuloy at mas tumitinding aktibidad nito.
Ayon sa Phivolcs, ang Alert Level 3 ay nangangahulugang mataas na antas ng volcanic unrest, kung saan ang magma ay malapit na o nasa ibabaw na ng bunganga ng bulkan na maaaring magresulta sa mapanganib na pagsabog sa loob ng ilang araw o linggo.
Posibleng palawakin ang danger zone hanggang walong kilometero mula sa bunganga ng bulkan.
Sa pinakahuling ulat, nakapagtala ang Phivolcs ng 346 rockfall events at apat na volcanic earthquakes simula Enero 1, 2026 patunay ng biglaang pagtaas ng aktibidad kumpara sa mga naitalang pagguho noong huling bahagi ng 2025.
Napansin din ang mas malinaw na pagguho ng bato na senyales ng paglaki ng lava dome at paglabas ng bagong lava sa bunganga ng bulkan.
Dahil sa panganib, pinapayuhan ang mga residenteng nasa loob ng 6 kilometeres permanent danger zone na lumikas agad, bawal na rin ang paglipad ng mga eroplano malapit sa bulkan.
Patuloy ang mahigpit na pagbabantay sa Bulkang Mayon habang nananatiling naka-alerto ang buong Albay.
