Naghanda ang mga organizer ng Traslacion ngayong taon ng bagong queue system para sa tradisyunal na “pahalik” sa imahe ng Poong Jesus Nazareno sa Quirino Grandstand.
Ito’y upang maging mas maayos at mabilis ang daloy ng prusisyon.
Sa bagong sistema ng pahalik, ang mga deboto ay kailangang bumalik sa Kalaw Extension matapos ang paggalang sa imahe dahil isasara ang Katigbak Drive.
Layunin nitong maiwasan ang pagsisiksikan at matapos ang Traslacion sa loob ng 15 oras.
Ininspeksiyon ngayong hapon ni Mayor Isko Moreno ang paghahanda sa Quirino Grandstand. Nagsagawa na rin ng walkthrough ang PNP bilang bahagi ng seguridad.
Mahigit 18,000 pulis ang ide-deploy, kabilang ang 1,000 intelligence operatives at 800 Hijos del Nazareno police na sasama mismo sa prusisyon.
Hihilingin din ng PNP ang suspensyon ng permit to carry firearms mula Enero 8 hanggang 10, signal disruptions, at no-fly zones lalo na sa paggamit ng drones sa ruta ng Traslacion.
Magkakaroon ng road restrictions sa ilang bahagi ng Maynila habang dumaraan ang prusisyon. Magde-deploy din ang MMDA ng mahigit 1,000 tauhan at magpapatupad ng rerouting.
Sinuspinde ni Mayor Moreno ang klase at trabaho sa city government sa Biyernes. Ipatutupad din ang liquor ban malapit sa Quiapo Church at total ban sa paputok mula Enero 8 hanggang 9.
Tututukan din ni Torre ang solid waste management bilang bahagi ng mga hakbang upang maiwasan ang pagbaha sa Metro Manila.
Bukod dito, magsisilbi rin siyang opisyal na tagapagsalita ng MMDA.
