Naghahanda na si Caloocan Rep. Edgar Erice ng petisyon sa Korte Suprema para sa tuluyang tutulan ang legalidad ng Unprogrammed Appropriations.
Ayon kay Erice kamakailan, isasampa ang petisyon matapos lagdaan ni Pangulong Bongbong Marcos ang 2026 General Appropriations Act.
Bagama’t vineto ng Pangulo ang P92.5 bilyon, nanatili pa rin ang mahigit P150.9 bilyong unprogrammed funds na para sa Makabayan bloc ay hindi sapat at tila pampalubag-loob lang sa publiko.
Ang desisyon umano ng Korte Suprema sa P89-bilyong PhilHealth fund transfer ay dapat may malinaw at tiyak na source of funding sa anumang gastusin.
Samantala, pinuna rin ni Rep. Leila de Lima ang natitirang unprogrammed funds na aniya’y lagpas sa constitutional safeguards,” lalo’t aminado ang pamahalaan na kapos sa excess revenues.
Giit niya, kung may dagdag-gastos, dapat itong idaan sa special appropriations bill kapag may sobra nang kita hindi baliktad. | via Ghazi Sarip
