Naghayag ng pagkabahala ang Pilipinas sa sitwasyon sa Venezuela at sa maaaring epekto nito sa kapayapaan, at rules based international order sa rehiyon.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), kinikilala man ng Pilipinas ang konsiderasyong panseguridad ng Amerika, may prinsipyo umano ang International law kasama na ang independence at sovereign equality ng mga bansa.
Payapang resolusyon sa anumang hindi pagkakaunawaan, pagbabawal sa paggamit ng puwersa at ang hindi pakikialam sa domestic affairs ng isang bansa, ang giit ng Pilipinas.
Panawagan ng DFA, igalang ang International Law at magkaroon ng restraint upang maiwasan ang paglala ng tension sa Venezuela at para sa kapakanan ng naroon.
Matatandaang binaggit ng US President Donald Trump na ang operasyon ng Amerika sa Venezuela ay upang maharap umano si Maduro sa paglilitis sa mga kasong kaugnay ng narco-terrorism.
Naniniwala naman sa Senator Risa Hontiveros na paglabag sa International Law ang airstrikes ng US sa Venezuela at interes sa langis aniya ang nasa likod nito. | via Ghazi Sarip
