Eala at Jovic, tinalo sina Willams at Svitolina sa women’s doubles sa New Zealand

Nagwagi ang tandem nina Filipina tennis star Alex Eala at Iva Jovic laban kina Venus Williams at Elina Svitolina sa round 16 ng ASB Classic women’s doubles ngayong Lunes sa New Zealand.

Nagtapos ang laro sa score na 7-6, 6-1.

Matapos malusutan ang dikit at matinding unang set, tuluyang inungusan ng Filipina-American pair ang ikalawang set upang tapusin ang kampanya nina Williams at Svitolina sa doubles event.

Sunod na makakaharap nina Eala at Jovic ang mananalo sa pagitan ng top-seeded tandem nina Asia Muhammad at Erin Routliffe at ng pares nina Jesika Maleckova at Renata Zarazua.

Sasabak din si Eala sa singles competition ngayong Martes, kung saan haharapin niya ang Croatian na si Donna Vekic.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *