Isa, patay sa pamamaril dahil sa pagtatalo sa delivery fee

Patay sa pamamaril ang isang bodegero habang kritikal ang kanyang bayaw matapos ang isang pagtatalo tungkol sa delivery fee noong Huwebes, January 1 sa Quiapo, Maynila.

Kinilala ang mga suspek na magkapatid na isang driver at pahinante ng isang online delivery company mula Bulacan.

Bunsod umano ang away dahil sa pagmamadali ng mga suspek na mabayaran agad ang delivery fee.

Sa takot ng pahinante na makuyog sa warehouse, bumunot ng baril ang driver at pinutukan ang magbayaw.

Sumuko naman agad ang pahinante sa Barbosa Police Station sa Quiapo.

Inihahanda na ang mga kasong murder, frustrated murder at illegal possession of firearms sa mga suspek. | via Ghazi Sarip

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *