Naglabas na ang PAGASA ng listahan ng magiging pangalan ng mga darating na bagyo sa 2026. Nakasama kaya ang pangalan mo?
Ayon sa ahensya, humigit-kumulang dalawampung bagyo ang daraan sa bansa sa darating na taon.
Upang madaling matukoy ang mga ito, gumagamit ang PAGASA ng apat na set ng pangalan na inuulit kada apat na taon.
May mga pangalang tinatanggal na sa listahan kapag nagdulot ang bagyo ng matinding pinsala, tulad ng Yolanda at Ondoy.
Para sa 2026, ilan sa mga nakahandang pangalan ay Caloy, Francisco, Inday, Luis, Obet, Tomas, at Zeny.
Kung sakali namang lumampas sa 25 bagyo ang pumasok sa Philippine Area of Responsibility, may auxiliary names din tulad ng Agila, Elena, at Jessa.
Patuloy ang paalala ng ahensya na manatiling alerto at handa sa posibleng epekto ng mga bagyo at iba pang kalamidad.
