Sekyu na namaril ng 2 sekyu, arestado

Arestado na ang security guard na namaril ng dalawang kapwa security guard sa isang car dealership sa Commonwealth Avenue, Quezon City.

Sa kuha ng CCTV, makikita ang suspek na pumasok sa kinaroroonan ng dalawang kasamang natutulog at walang habas niyang pinaputukan ang mga ito.

Sa pamamagitan naman ng dashcam ng sinakyang taxi, natunton ang suspek sa Barangay 241 sa Tondo, Maynila.

Inamin ng suspek ang ginawang krimen. Nagawa umano niya ito sa labis na pangugulang at pambu-bully ng mga biktima.

Aniya, nagkainitan na sila ng mga biktima sa gitna ng inuman noong umaga na nauwi sa suntukan.

Dagdag pa niya, una nang umamba ng saksak sa kaniya ang isa sa mga biktima. Lumabas umano siya para magpalamig pero nabaril niya ang dalawa ng makita silang natutulog.

Nasa kustodiya na ng QCPD ang suspek na nahaharap sa kasong double murder. | via Ghazi Sarip

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *