Pope Leo XIV, may mensahe ngayong Pasko

Nanawagan si Pope Leo XIV nitong Martes ng isang global truce sa mismong Araw ng Pasko, partikular sa hidwaang Russia at Ukraine.

Ayon sa Santo Papa, dapat igalang ng lahat ang kahit isang araw na kapayapaan bilang paggunita sa kapaskuhan.

Sa kanyang pahayag sa Castel Gandolfo malapit sa Roma, sinabi ni Pope Leo na masakit sa kanyang damdamin na tila hindi pinakinggan ang kanyang panawagang ceasefire sa pagitan ng Russia at Ukraine.

Umaasa umano siyang makikinig sila upang magkakaroon ng 24 oras na kapayapaan sa buong mundo.

Matatandaang nakipagpulong si Pope Leo kay Ukrainian President Volodymyr Zelensky kamakailan, kung saan inimbitahan siya nito na bumisita sa kanyang bansa. | via Ghazi Sarip

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *