Driver sa hit-and-run incident, may show-cause order na sa LTO

Naglabas ng show cause order ang LTO sa may-ari o drayber ng isang kotseng sangkot umano sa isang hit-and-run incident sa General Trias, Cavite.

Pinagpapaliwanag ngayon ang rehistradong may-ari o ang drayber ng Toyota Camry matapos kumalat ang video sa social media.

Sa video, makikita ang paghagip ng kotse sa likurang bahagi ng isang motorsiklo, dahilan para bumagsak ito. Mabilis na humarurot ang kotse matapos makabangga.

Inatasan ng LTO ang may-ari o itinalagang drayber ng kotse na personal na humarap sa LTO-Intelligence and Investigation Division sa East Avenue, Quezon City sa January 6.

Ilang motorista na ang kamakaila’y sinuspinde o ni-revoke ng ahensiya, kabilang ang isang pickup driver na nanakit ng isang magkakariton.

Patuloy umano ang pagmamatyag ng LTO sa mga abusadong drayber, para mapanatiliing ligtas ang ating mga lansangan. | via Ghazi Sarip

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *