Discaya at mga dating inhinyero ng DPWH, sa Senado magpapasko —Lacson

Magpa-Pasko at Bagong Taon sa Senado ang contractor na si Curlee Discaya at tatlong dating inhinyero ng Department of Public Works and Highways (DPWH) kaugnay ng umano’y anomalya sa flood control projects.

Ayon kay Senator Panfilo Lacson, masyadong mataas ang posibilidad na tumakas ang mga apat lalo’t may pahayag na sina Pangulong Bongbong Marcos at Ombudsman Crispin Remulla na posibleng mailabas ang kanilang warrant of arrest bago mag-Pasko.

Wala umanong saysay ang pagbibigay ng holiday leave kung nalalapit na ang kanilang pag-aresto.

Pinayagan lamang ang apat na makadalo sa misa sa loob ng Senado at madalaw ng kanilang pamilya.

Ang apat ay nakadetine matapos ma-cite for contempt dahil sa umano’y hindi pakikipagtulungan sa imbestigasyon ng Senate blue ribbon committee.

Si Discaya ay pinatawan ng contempt matapos umanong magsinungaling tungkol sa dahilan ng pagliban ng kanyang asawa sa pagdinig.

Ang iba naman ay kinasuhan ng contempt dahil sa umano’y pagtanggi o pagsisinungaling kaugnay ng kanilang papel sa flood control scheme sa Bulacan.

Umaasa si Lacson na masasampahan ng kaso ng Ombudsman ang apat para magsilbing babala laban sa pagnanakaw ng pondo ng bayan. | via Allan Ortega

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *