Pinag-aaralan ngayon ng Office of the Ombudsman ang posibleng paghain ng civil forfeiture case laban kay dating House Speaker Martin Romualdez, kaugnay sa flood control scandal.
Ayon kay DILG Secretary Jonvic Remulla, determinado si Ombudsman Jesus Crispin Remulla na sampahan si Romualdez ng criminal neglect o gross neglect, na maaaring magbukas ng daan para kumpiskahin ang lahat ng kanyang mga ari-arian.
Sa ilalim ng civil forfeiture, maaaring kuhain ng pamahalaan ang mga asset ng isang indibidwal kahit wala pang kasong kriminal na naisasampa laban dito.
Noong Disyembre 18, inirekomenda na ng DILG ang paghahain ng criminal at administrative charges laban sa 87 indibidwal, kabilang si Romualdez, dahil sa pagkakasangkot sa maanomalyang flood control projects. | via Ghazi Sarip
