Pagpirma sa 2026 budget bill, posibleng sa January pa

Sa unang linggo ng Enero pa posibleng malagdaan ni Pangulong Bongbong Marcos ang panukalang ₱6.793 trillion General Appropriations Bill (GAB) para sa 2026.

Ito ang inihayag ni Senate President Tito Sotto kahit pa inusog na ng Senado at Kamara ang kanilang legislative calendar para maisalang ang ratipikasyon ng bicameral conference committee report.

Ayon kay Sotto, target ng Kongreso na ratipikahin ang bicam report sa December 29, bago tuluyang mag-adjourn sa December 30.

Pero aminado ang Senate chief na malabong mapirmahan agad ng Pangulo ang budget sa December 30 o 31.

Dahil dito posible, umanong magkaroon ng reenacted budget sa unang linggo ng 2026.

Ibig sabihin, ang nakalaang pondo para sa yugtong iyon ng dating budget ang iimplementa.

Ipinangako naman ni Senate President na sisiguruhin niyang malinis at walang anumang insertions ang iraratipikang budget bill na ipadadala sa Pangulo.

Una nang binanggit ang posibilidad ng reenacted budget ni Senator Panfilo Lacson matapos ang deadlock noon sa budget ng DPWH, na ayon sa kanya ay mas mainam kaysa sa isang budget na posibleng puno ng katiwalian. | via Ghazi Sarip

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *