Umakyat ng 21% ang bilang ng mga naaaksidente sa kalsada ngayong taon.
Batay sa datos ng Department of Health (DOH), nakapagtala ng 703 na kaso ng road crash injuries kung saan ang mga biktima ay nasa edad 5 hanggang 29 taong gulang.
Sa bilang na ito, walo ang namatay.
Karamihan sa kanila lasing o nakainom habang nagmamaneho.
Payo ni DOH Secretary Ted Herbosa, dapat ‘biyahealthy’ o panatilihing ligtas ang pagmamaneho.
Ang pagiging responsableng motorista umano ay isang paraan ng pagpapakita ng pagmamahal sa sarili at ating kapwa.
