Makakatanggap ng cash incentives mula sa pamahalaan ang mga Pinoy athletes na nakasungkit ng medalya 33rd Southeast Asian Games sa Thailand.
Ayon sa Republic Act 10699 o National Athletes and Coaches Benefits and Incentives Act, ang gold medalists ay tatanggap ng ₱300,000, silver medalists ng ₱150,000, at bronze medalists ng ₱75,000.
Wala pang inilalabas na eksaktong petsa kung kailan ipamamahagi ang pera, ayon sa Philippine Sports Commission.
Pinakamalaking makukuha ng incentives si swimmer Kayla Sanchez, na nag-uwi ng tatlong gold at limang silver medals sa torneo.
Aabot sa ₱1.2 million ang kanyang matatanggap. | via Allan Ortega
