Mabagal ang paglabas ng bigas mula sa National Food Authority (NFA) papunta sa mga lokal na pamahalaan (LGUs) dahil sa mga patakaran ng gobyerno, ayon kay NFA Administrator Larry Lacson. Hinimok niya ang LGUs na bilisan ang proseso para makinabang agad ang taumbayan sa murang bigas.
Sa kabila ng food security emergency na idineklara ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., bumabagal ang distribusyon dahil sa kakulangan sa pondo at kailangang council resolution bago maglabas ng pondo. Halimbawa, sa San Juan City, sa 8,000 sako ng bigas na alokasyon, 1,000 pa lang ang naibigay.
Sa ilalim ng emergency, binebenta ng NFA ang bigas sa LGUs sa halagang P33 kada kilo, na maaaring ibenta ng LGUs sa P35. Mayroon ding lumang stock na ibinebenta sa P29 kada kilo para magbigay daan sa bagong buffer stock target ng bansa.
Ayon kay Lacson, nasa 70 LGUs na ang sumali sa programa, kabilang ang Cotabato, Bacolod, San Juan, Navotas, at Camarines Sur. Pero malayo pa sa target na abutin ang buong bansa ng murang bigas! | via Lorencris Siarez | Photo via NHCP
Red tape nagpapabagal sa pagpapalabas ng mga rice stocks sa mga local govt
