Nabigo ang Pilipinas sa hangarin nitong makamit ang ika-limang pwesto sa pagtatapos ng 2025 Southeast Asian Games sa Thailand.
Matapos ang dalawang linggong paligsahan, nasa 6th place ang Pilipinas matapos makalikom ng
50 na gold, 73 na silver, at 154 bronze medals, para sa kabuuang 277 medalya.
Naungusan ang Pilipinas ng Singapore ng masungkit nito ang pang-limampu’t dalawang medalya sa huling yugto ng palaro.
Naghari ang hometown bets ng Thailand matapos makakuha ng 233 na gold medals. Sumunod sa tally ang Indonesia, Vietnam at Malaysia.
Most bemedaled Filipino athlete ang swimmer na si Kayla Sanchez na umani ng tatlong gold medals at limang silver medals.
Nagpadala ng mahigit 1,600 na atleta at officials ang Pilipinas sa Thailand para mahigitan sana ang 5th place finish nito sa Cambodia noong 2023. | via Ghazi Sarip
