Sarah Discaya, nakatakdang basahan ng sakdal sa Enero sa Lapu Lapu City

Nakakulong na ngayon sa Lapu-Lapu City ang kontrobersiyal na contractor na si Sarah Discaya, matapos maaresto tungkol sa kanyang kaugnayan umano sa mga maanomalyang flood control projects.

Nakatakdang basahan ng sakdal si Discaya sa January 13 sa Regional Trial Court Branch 27 dahil sa pagkakasangkot umano nito sa P96.5 million ghost flood control project sa Davao Occidental.

Matatandaang kusang sumuko si Discaya sa National Bureau of Investigation noong December 10 dahil sa banta umano sa kanyang buhay at upang patunayang handa siyang harapin ang mga akusasyon laban sa kanya.

Pormal na inaresto ng NBI si Discaya noong December 18.

Samantala, sinabi ni Pasig Mayor Vico Sotto na tinatakot umano ng kampo nina Sarah at Curlee Discaya ang mga dating empleyadong handang tumestigo laban sa kanila.

Ayon kay Sotto, may mga ulat din ng pananakot at blackmail kaugnay ng imbestigasyon sa mga maanomalyang flood control projects.

Itinanggi rin ni Sotto ang pahayag na “small fish” lang ang mga Discaya, at iginiit na bilyon-bilyong piso ang dumaan sa mga bank accounts ng kanilang mga kumpanya.

Hinimok ng alkalde ang publiko na manatiling mapagmatyag at ipagpatuloy ang panawagan panagutin ang mga may sala. | via Andrea Matias

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *