Presyo ng produktong petrolyo, may rollback ngayong Christmas week

Good news para sa mga motorista ngayong Christmas week! Ilang kumpanya ng langis ang nag-anunsiyo ng pagbaba ng presyo ng mga produktong petrolyo.

Ayon sa Department of Energy (DOE), maaaring bumaba ang presyo ng gasolina ng P1.20, ang diesel ng P1.70 at kerosene ng P1.75 kada litro.

Ang pagbaba ay dulot umano ng mataas na supply at mababang demand, na mas nangingibabaw kaysa sa pansamantalang epekto ng mga geopolitical na tensyon.

Bukod dito, may pag-asa rin sa posibleng kasunduan sa kapayapaan sa pagitan ng Russia at Ukraine.

Ipinaliwanag ng ahensiya na maaari pang magbago ang mga adjustment. | via Ghazi Sarip

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *