Labi ni ex-DPWH Usec. Cabral, dinala na sa Metro Manila

Iniuwi na sa kanyang pamilya ang mga labi ni dating Public Works Undersecretary Catalina Cabral.

Natagpuan ang bangkay ni Cabral sa gilid ng Bued River sa Tuba, Benguet, mga 20 metro sa ibaba ng Kennon Road noong Biyernes, December 19.

Ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla, “blunt force trauma consistent with a fall” ang dahilan ng pagkasawi ng dating opisyal.

Wala rin umanong nakitang iba pang indikasyon ng foul play.

Dagdag pa nito, nakatakdang i-turnover ng asawa ni Cabral ang mga personal niyang gamit sa mga imbestigador kapag nailibing na ito.

Samantala, dinala ang mga labi ng dating opisyal sa Arlington Memorial Chapels and Crematory sa Quezon City kahapon, December 21.

Bandang alas-11:45 noong Sabado nang ihatid ang dating opisyal mula sa Benguet at dumating sa Metro Manila bandang pasado alas-3:00 ng madaling araw.

Nagbitiw sa pwesto si Cabral noong Setyembre matapos madawit sa umano’y maanomalyang flood control project at kickback scheme ng mga opisyal ng pamahalaan.

Nakatakda itong sumalang sa Independent Commission for Infrastructure noong December 15 pero hindi ito sumipot.

Nagbabala naman ang mga otoridad na huwag agad maniwala sa mga lumalabas ngayon sa social media tungkol sa pagkamatay ni Cabral, bilang paggalang na rin sa kanya at sa kanyang pamilya. | via Alegria Galimba

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *