ICI, humiling ng agarang pagkuha ng mga dokumento ni Cabral

Nanawagan ang Independent Commission for Infrastructure o ICI sa mga awtoridad na agad kunin at ipreserba ang mga dokumento, gadgets, at computer ng dating Public Works Usec. Maria Catalina Cabral.

Ayon kay ICI Executive Director Atty. Brian Hosaka, mahalagang personalidad si Cabral sa iniimbestigahang umano’y maanomalyang infrastructure projects ng gobyerno, batay sa dati nitong posisyon bilang undersecretary for planning.

Dagdag ni Hosaka, kailangan ang mga materyales para sa posibleng digital forensics.

Nanawagan din siya ng mabilis at masusing imbestigasyon sa pagkamatay ni Cabral upang matiyak kung may naganap na foul play.

Kung mapapatunayan, posibleng maiugnay ang mga responsable sa mga kwestiyonableng proyekto.

Nagpaabot din ng pakikiramay ang komisyon sa pamilya at mga kaibigan ni Cabral. | via Andrea Matias

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *