AFP: Walang ebidensya na nagsanay sa Pilipinas ang mga namaril sa Bondi Beach

Walang ebidensiya na nagsanay sa Pilipinas ang mga suspek sa terrorist attack sa Bondi Beach sa Sydney, Australia.

Ayon kay Armed Forces of the Philippines Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr., walang kakayahan ang local terrorist groups na magsagawa ng training o maglunsad ng operasyon dahil sa kanilang tuloy-tuloy na anti-terrorism efforts.

Payo ni Brawner – huwag magpadala sa mga haka-haka. Nilinaw din niya na maraming ahensiya ang sabay-sabay na nag-iimbestiga sa isyu.

Ayon sa military, pumasok ang dalawang suspek bilang turista, dumaan sa Maynila at nagtungo sa Davao City, kung saan nanatili nang dalawumpu’t apat na araw. Wala umanong kumpirmadong impormasyon tungkol sa kanilang intensyon o aktibidad.

Ang mga lokal na teroristang grupo ay dumaranas umano ngayon ng “leadership vacuum” matapos ma-neutralize, maaresto, o sumuko ang mga pangunahing lider nila mula 2017 hanggang 2025.

Kabilang dito ang Maute Group, Abu Sayyaf, at BIFF, na humina ang command structure at kakayahang magplano ng operasyon.

Mula 1,257 na miyembro noong 2016, bumaba na lamang sa 50 ang natitirang miyembro ng local terrorist groups ngayong 2025.

Wala ring naitalang training, recruitment, o malalaking pag-atake ng terorista mula 2016.

Malaki raw ang naitulong ng peace initiatives, livelihood programs, at community support. | via Allan Ortega

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *