Iginiit ng Palasyo na hindi sang-ayon si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na magkaroon ng reenacted budget sa 2026.
Sa Malacañang press briefing, sinabi ni Palace Press Officer Usec. Claire Castro na bagama’t maganda ang suhestyon ni Senate President Pro Tempore Ping Lacson, hindi gugustuhin ng Pangulo ang isang reenacted budget.
Ayon kasi kay Lacson, mas gugustuhin pa ng ilang senador na patakbuhin ang gobyerno gamit ang reenacted budget kaysa madaliin ang pagpasa ng 2026 budget na posibleng puno umano ng katiwalian.
Mungkahi ni Castro, araling mabuti ang budget dahil hindi pa naman natatapos ang Disyembre.
Mas maigi umano na maisaayos ang budget at maipasa ito sa takdang oras.
