Villar Group, ibebenta ang PrimeWater sa Lucio Co Group

Ibebenta na ng Villar Group ang PrimeWater Infrastructure Corp. sa Crystal Bridges Holding Corp. ng Lucio Co Group.

Ayon sa isang pahayag, kukunin ng Crystal Bridges ang buong operasyon ng PrimeWater sa buong bansa kapag nakumpleto ang mga kasunduan.

Dumating ang anunsiyo sa gitna ng mga reklamo at imbestigasyon sa umano’y kakulangan sa serbisyo ng PrimeWater.

Nagbigay naman ng pahayag ang Malacañang patungkol dito at sinabing nagre-report naman ang Local Water Utilities Administration (LWUA) kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Noong Mayo, iniutos ng Pangulo ang imbestigasyon sa operasyon ng kumpanya.

Kamakailan, sinabi ni Senator Raffy Tulfo na 61 lokal na water district ang hindi umano nasisiyahan sa serbisyo ng PrimeWater.

Samantala, sinabi naman ng pamunuan ng PrimeWater na patuloy silang nakikipag-ugnayan sa kanilang mga katuwang upang maresolba ang mga isyu at iginiit na wala silang nilalabag na batas.

Ang PrimeWater ang nagpapatakbo ng mga infrastructure projects sa suplay ng tubig at wastewater sa buong bansa, kabilang ang joint venture sa mga water district, bulk water supply, at serbisyong septage at wastewater management. | via Andrea Matias

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *