Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at First Lady Louise Araneta-Marcos ang mga bagong pasilidad ng NAIA Terminal 3.
Kasabay ito ng 2025 Presidential Pamaskong Salubong para sa mga Bagong Bayani ng Bansa nitong Disyembre 16, 2025.
Sa talumpati ng Pangulo, binigyang-diin niya ang matibay na pagtutulungan ng pamahalaan at ng New NAIA Infrastructure Corporation sa rehabilitasyon at pamamahala ng pangunahing paliparan ng bansa.
Ayon sa kanya, malinaw ang layunin: Gawing episyente at makatao ang NAIA para sa lahat ng biyahero.
Dahil sa partnership na ito, umabot sa 92% ang on-time performance ng NAIA sa isang araw sa kabila ng dumaraming pasahero at ruta ng mga airline.
Nakatanggap din ang paliparan ng kauna-unahang customer experience accreditation mula sa Airports Council International, patunay na pasok sa pandaigdigang pamantayan ang mga reporma.
Tampok din ang bagong immigration e-gates na nagpapabilis ng proseso hanggang 20 segundo lamang, pati ang mga bagong pasilidad.
Nagbigay-pugay ang Pangulo sa mga OFW bilang modernong bayani.
Sa pagtatapos, sinabi ni Pangulong Marcos Jr. na ang mga pagbabagong ito sa NAIA ay bunga ng tuloy-tuloy na kooperasyon ng publiko at pribadong sektor isang pamahalaang inuuna ang tao. | via Allan Ortega
