Malacañang, pinabulaanan ang pagtawag sa Pilipinas bilang ISIS training hotspot

Mariing itinanggi ng Palasyo ang pahayag ng ilang foreign media na ISIS training hotspot ang Pilipinas.

Kasunod ito ng impormasyon nagtungo sa bansa ang dalawang suspek sa nangyaring mass shooting sa Sydney, Australia.

Sa Malacañang press briefing, tinawag ni Palace Press Officer Usec. Claire Castro na “misleading” ang mga kumakalat na pahayag.

Dagdag pa nito, nakikipag-ugnayan na ang National Security Council sa mga awtoridad para masuri ang mga naging aktibidad ng mga suspek sa bansa.

Mensahe naman ni Castro sa foreign media outlets: Maging mapanuri at responsable sa mga ilalabas na pahayag lalo na kung ito ay makaaapekto sa integridad at imahe ng Pilipinas. | via Alegria Galimba

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *