Pormal na nag-turnover ng P40 million si dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Regional Director Gerard Opulencia sa Department of Justice (DOJ) nitong Martes, December 16.
Ayon sa DOJ, inisyal na bulto pa lang ito ng kabuuang P150 million na perang ipinangakong ibabalik ni Opulencia.
Bahagi umano ang pera sa kanyang kickback mula sa mga maanomalyang flood control projects ng DPWH.
Kasama ang pagsauli ng kabuuang halaga sa kaniyang commitment na nakapaloob sa isang memorandum of agreement.
Kapalit umano ito ng buong benepisyo ng pagiging state witness.
Ayon sa DOJ officials, kahit hindi tumestigo si Opulencia sa Senate Blue Ribbon Committee, makatutulong ang kaniyang nalalaman sa pagtugis sa iba pang sangkot sa katiwalian, partikular sa mga proyekto sa Bulacan.
Sa ngayon, patuloy ang imbestigasyon ng DOJ habang pansamantalang naka-admit sa Witness Protection Program si Opulencia, na nasa ilalim ng karagdagan pang assesment sa patuloy na pag-develop ng kaso. | via Ghazi Sarip
