22 katao ang patay matapos gumuho ang dalawang four-story residential building sa lungsod ng Fez, Morocco.
Ayon sa mga awtoridad, labing-anim na miyembro ng walong pamilya na naninirahan sa mga gusali ang sugatan at isinugod sa ospital.
Inaalam pa ang bilang ng mga nawawala at patuloy ang search and rescue operations.
Hindi pa malinaw ang sanhi ng pagguho pero tinitingnan ngayon ang pagsuway sa building code at pagdagdag ng palapag sa mga gusali, dahilan para bumigay ang mga ito.
Ang Fez ang ikatlong pinakamalaking lungsod ng Morocco na matatagpuan sa northwest coast ng Africa.
Kilala ito bilang isang sinaunang lungsod at isa rin sa mga pinakamahihirap na urban centers sa bansa na may lumang imprastraktura. | via Allan Ortega
