EDSA rehab, sisimulan sa December 24; tatagal ng 8 buwan

Magsisimula sa December 24 ang naantalang rehabilitasyon ng EDSA, ayon kay Department of Public Works and Highways Secretary Vince Dizon ngayong Miyerkules.

Ayon kay Dizon, paiikliin sa walong buwan ang proyekto mula sa dating dalawang taong plano upang mabawasan ang abala sa mga motorista.

Para sa malalaking road works, gagamitin ang dalawang linggong holiday break.

Isasagawa ang rehabilitasyon sa dalawang yugto: Ang unang apat na buwan mula Roxas Boulevard hanggang EDSA-Orense; at ang natitirang bahagi ng EDSA sa huling apat na buwan.

Magsisimula ang rehabilitasyon alas-dose ng hatinggabi ng December 24, 2025 hanggang January 5, 2026, kabilang ang 24-oras na reblocking at asphalt overlay sa EDSA busway lanes.

Makikipag-ugnayan ang DPWH sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para sa traffic management habang isinasagawa ang proyekto. | via Andrea Matias

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *