Ipinatupad ngayong araw ang dagdag-bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo, epektibo kaninang alas-6 ng umaga.
Tumaas ng P0.20 kada litro ang gasolina habang bumaba naman ng P0.20 kada litro ang diesel at kerosene.
Ayon sa tagapagsalita ng Jetti Petroleum, ang muling paggalaw sa presyo ng mga produktong petrolyo ay bunsod ng inaasahang peace deal sa pagitan ng Russia at Ukraine.
Bumaba rin ang presyuhan sa Asya sa gitna ng inaasahang mas mabigat na produksiyon mula China matapos ang maintenance ng ilang refinery doon. | via Ghazi Sarip
