PNP binawi ang pagpapalayas sa hepe ng Anti-Kidnapping Group!

Binawi ng Philippine National Police (PNP) ang kautusang nagpapalayas kay Col. Elmer Ragay bilang hepe ng Anti-Kidnapping Group (AKG). Una siyang inalis sa puwesto noong Pebrero 28 dahil sa imbestigasyon sa kaso ng 14-anyos na Chinese na dinukot. Pero nitong Marso 3, kinansela ang order ng PNP, batay sa batas ng Comelec na nagbabawal sa paglilipat ng PNP personnel sa panahon ng eleksyon.
Pinapalabas na AKG ang nakahanap sa batang Chinese, pero may mga ulat na hindi raw talaga sila ang nagligtas. Sa kabila ng negatibong balita at viral na usapan sa social media, balik sa puwesto si Ragay! – Allan Ortega | Photo via gettyimages.ie

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *