Ex-QC Mayor Herbert Bautista, abswelto sa kasong graft

Pinawalang-sala na ng Sandiganbayan sa kasong graft si dating Quezon City Mayor Herbert Bautista.

Ito ay kaugnay ng P25.34 million solar power project ng lokal na pamahalaan na iginawad sa Cygnet Energy Power Asia noong 2019.

Sa promulgasyon ng kaso, sinabi ng prosekusyon na bigong mapatunayan ang umano’y pagkakasala ng dating alkalde.

Dahil dito, binawi na rin ang hold departure order laban sa kanya.

Ayon sa legal counsel ni Bautista, wala na sa pwesto si Bautista nang ilabas ang bayad para sa kompanya.

Dagdag pa nito, nakasaad sa mga dokumento na kumpleto ang delivery ng mga proyekto, gumagana ang mga solar power system, at dumaan sa wastong bidding at pag-apruba ang kontrata.

Gayunpaman, guilty sa kasong graft ang kanyang city administrator na si Aldrin Cuña.

Pinatawan ito ng anim hanggang walong taong pagkakabilanggo.

Pinagbawalan din siya na tumakbo o humawak ng anumang posisyon sa pamahalaan at hindi na rin ito makatatanggap ng benepisyo sa pagreretiro. | via Alegria Galimba

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *