Isiniwalat ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na halos 95% ng mga kaso ng maling pagpatay sa war on drugs ng dating Pangulong Rodrigo Duterte ay walang police records. Ginawa niya ang pahayag sa Senate hearing kaugnay ng pag-aresto kay Duterte noong Marso 11 sa NAIA, bago siya dinala sa The Hague para sa kanyang kasong crimes against humanity sa International Criminal Court (ICC).
Nagulat si Sen. Alan Peter Cayetano sa rebelasyon ngunit naniniwala pa rin na gumagana ang sistema ng hustisya sa bansa. Gayunpaman, inamin ni Remulla na may pagkukulang noon kaya napilitan ang mga pamilya ng biktima na idulog ang kanilang kaso sa ICC.
Ayon sa gobyerno, 6,000 ang napatay sa drug war, pero tinatayang nasa 12,000 hanggang 30,000 ang bilang ayon sa human rights groups. | via Allan Ortega | Senate PRIB
#D8TVNews #D8TV