9, patay; 80 iba pa, nawawala sa Indonesian landslide

Ipinagpatuloy ng mga rescuer sa Indonesia ang paghahanap sa humigit-kumulang 80 kataong nawawala matapos ang isang landslide sa West Bandung, Java sa Indonesia.

Pansamantalang itinigil ang operasyon gabi ng January 25, dahil sa malakas na ulan at masamang panahon.

Madaling araw ng January 24 rumagasa ang lupa matapos ang matinding pag-ulan at nalibing ang mga bahay.

Kinumpirma ng local search and rescue agency na hindi bababa sa siyam ang nasawi habang patuloy pang bine-verify ang bilang ng mga nawawala.

Nagtutulong-tulong ang militar, pulis, at mga volunteer sa mano-manong paghukay habang gumagamit ng drones at mga aso sa panghahanap ng mga biktima.

Nagbabala ang mga awtoridad na mapanganib at hindi pa matatag ang lupa, kaya mahirap ang operasyon.

Sinisisi ng mga eksperto ang pagkakalbo ng kagubatan sa lugar bilang pangunahing dahilan ng pagguho ng lupa. | via Allan Ortehg

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *