Matagumpay na nailikas ng pamahalaan ang siyam na Pilipinong seafarers na ilang buwan na-stranded sa oil tanker MV Rival sa Ras Isa Port, Yemen, habang patuloy ang kaguluhan at pambobomba sa nasabing lugar.
Sa Facebook post ng Department of Migrant Workers (DMW), sinabi nitong dumating ang mga marinong Pinoy sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 sa Pasay nitong Martes ng gabi.
Ayon sa DMW, naging posible ang ligtas na repatriation dahil sa matinding koordinasyon ng Migrant Workers Offices, embahada ng Pilipinas sa Oman at Riyadh, at recruitment agency ng mga seafarers.
Sinalubong ng DMW officials na sina Assistant Secretary Levinson Alcantara at Director Augusto B. San Diego III, kasama ang OWWA personnel, ang mga balikbayan.
Agad din silang binigyan ng financial assistance mula sa DMW’s AKSYON Fund at OWWA. Bukod pa rito, sasailalim sila sa medical check-up at psychosocial counseling para matiyak ang kanilang kalusugan at mental na kalagayan.
Habang hinihintay ang resulta ng kanilang check-up, naka-check-in muna sila sa hotel kasama ang kanilang pamilya. | via Lorencris Siarez | Photo Courtesy of DMW
#D8TVNews #D8TV