Walang kawala ang 85 na wanted sa bansa matapos ang matinding dalawang araw na operasyon ng PNP-CIDG nitong May 14-15! Ayon kay CIDG Director Maj. Gen. Nicolas Torre, kabilang sa mga kaso ng mga naaresto ay murder, rape, cybercrime, estafa, illegal recruitment, at droga.
Pinakamarami ang nahuli sa Luzon (38), sinundan ng Mindanao (33) at Visayas (14). Anim sa kanila ay most wanted sa rehiyon, habang walo naman ay provincial level.
Hindi pa diyan nagtapos! Sa hiwalay na operasyon noong May 16, sinalakay ng mga CIDG agents ang isang unit sa Hokka Tower II sa Binondo. Apat na katao ang naaresto sa ilegal na pagbebenta ng Lishou Slimming Coffee na nagkakahalaga ng P300,000. Ayon sa CIDG ang produkto ito ay hindi rehistrado sa FDA. | via Lorencris Siarez | Photo via CIDG
#D8TVNews #D8TV