7 tripulante sa nagliyab na motor yacht sa Batangas, nasagip

Nasunog ang isang motor yacht na may lulang pitong tripulante habang ito ay naglalayag sa dagat ng Tingloy, Batangas nitong Martes ng umaga, January 27.

Ayon sa pahayag, nakatanggap umano ng impormasyon ang Coast Guard-District Southern Tagalog (CGDST) bandang alas-7:35 ng umaga tungkol sa nakita nitong usok at apoy na nagmumula sa M/Y Allusive.

Agad na nagpadala ang CGDST ng high-speed response boat sa pinagmulan ng apoy, kasama ang ilang medical personnel at mga miyembro ng Maritime Safety Services Unit at Marine Environmental Protection Unit.

Papunta sana sa Punta Fuego sa Nasugbu, Batangas para sumali sa yacht sailing event ang M/Y Allusive, kasama ang isa pang motor yacht, M/Y Neptimus 3 nang biglang sumiklab ang isang apoy sa engine room.

Ayon sa CGDST, electrical failure umano ang sanhi ng pag-apoy.

Inilipat sa kasamang motor yacht, M/Y Neptimus 3, ang pitong crew members ng M/Y Allusive bilang safety precaution.


Nang makarating ang tulong galing CGDST, agad silang binigyan ng nararapat na atensyong medikal.
Sa kabutihang palad, walang napinsala sa na nangyari.

Kalauna’y hinila ang M/Y Allusive papuntang baybayin at patuloy pa rin itong sinusubaybayan upang matiyak na hindi ito maging navigational hazards. | via Kimberly Reyel, D8TV News Intern

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *