Nasagip ang pitong menor de edad na biktima ng online sexual exploitation sa isang operasyon sa Barangay Calzada-Tipas, Taguig City noong Miyerkules, September 3, 2025.
Nakipag-ugnayan ang mga pulisya mula sa Camp Crame at ang Taguig Women and Children Protection Desk upang masagip ang mga biktima kung saan dalawang babae ang naaresto.
Kasama rin sa operasyon ang local social workers na nagbigay ng immediate medical check ups, medico-legal processing, at psychosocial assistance sa mga biktima na pagkatapos ay dadalhin sa child-care facility for rehabilitation.
Sinabi ng mga awtoridad na ang mismong ina ng biktima ang kumukuha at nagbebenta ng malalaswang videos ng kanyang mga anak sa foreign clients sa halagang P2,500 kada transaksyon.
Sinasabing kasapi rin ng magulang ang kanyang 19-taong gulang na anak na ginamit din ang kanyang 3-taong gulang na anak sa krimeng ito.
Parehong suspek ay nahaharap sa kasong Anti-Trafficking in Persons Act, the Anti-Child Pornography Act, at ang Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act. | via Kai Diamante