7 fireworks-related injuries, naitala ng DOH bago pa man mag-Pasko

Nakapagtala na ng pitong fireworks-related injuries ang Department of Health (DOH) bago pa man mag-Pasko at Bagong Taon.

Ayon sa DOH, apat sa mga ito ay nasa edad 19 pababa.

Ang bilang ay galing sa mga ospital na binabantayan ng DOH mula December 21 hanggang nitong alas-4:00 ng madaling araw, December 23.

Mas mababa ito kumpara sa naitalang 28 kaso sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.

Dagdag pa ng ahensya, pinakamarami ang nasugatan dulot ng paputok ng boga at 5-star.

Payo ng DOH sa publiko, sakaling may maaksidente dulot ng paputok, agad na dalhin sa pinakamalapit na ospital ang biktima o tumawag agad sa 911 para sa agarang medical assistance.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *