7 arestado sa QC joint anti-illegal online gambling raid

Pitong suspek ang naaresto sa ilegal na online gambling sa isang joint operation ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC), Philippine Sweepstakes Office (PCSO), at PNP nitong Huwebes. Ayon kay PCSO Shield Chair Orlando Malaca, nagsimula ang operasyon nang madiskubre na isang awtorisadong ahente ang nagpatuloy ng sugal kahit tapos na ang kontrata noong Hulyo.

Giit ng PCSO, apektado ang kita ng ahensya at ang charity programs tulad ng medical assistance kapag nagpapatuloy ang ganitong ilegal na gawain. Dahil dito, agad nakipag-ugnayan ang PCSO sa CICC at PNP na nagsagawa ng raid sa QCPD Station 14.

Nakumpiska ang mga cellphone at gamit sa operasyon, habang ang pitong suspek ay nahaharap sa kaso sa ilalim ng Cybercrime Prevention Act at iba pang batas laban sa sugal. Kasalukuyan silang sumasailalim sa inquest, habang iniimbestigahan pa ang mas malawak na network sa likod nito.

Ayon kay DICT Sec. Henry Aguda, tugon ito sa utos ni Pangulong Marcos Jr. na linisin ang cyberspace mula sa ilegal na gawain. Dagdag pa ng CICC, layunin ng operasyon na protektahan ang mga pinaka-apektadong sektor ng lipunan. Pinuri rin ni Rep. Brian Poe Llamanzares ang matagumpay na operasyon bilang halimbawa ng solidong pagtutulungan ng mga ahensya ng gobyerno. | via Allan Ortega, D8TV News | Photo Courtesy to Eugene Fernandez, IBC News

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *