Ayon sa babala mula sa DENR-MGB, nasa 412 barangay sa Metro Manila at 252 pa sa Hilaga at Gitnang Luzon ang nanganganib sa mga pagbaha at landslide dulot ng tuloy-tuloy na ulan ngayong linggo.
Sanhi ito ng low pressure area (LPA) na nasa 140 km silangan-hilagang silangan ng Aparri, Cagayan, na nagpapalakas sa habagat.
Sa Metro Manila, inaasahan ang 50-100mm na ulan ngayong linggo. Kabilang sa mga apektado ang Manila – 117 barangay, Quezon City – 114, Caloocan – 92, Valenzuela – 33, Malabon – 21, Navotas – 18, Marikina – 16 at Pasig – 1.
Mga ilang babala sa baha moderate areas: 0.5m–1m baha sa loob ng 1–3 araw, high-risk areas: 1–2m baha ng higit 3 araw at very high-risk areas: Higit 2m baha at posibilidad ng flash flood.
Ang ilang mga payo ng DENR-MGB magsagawa ng preemptive evacuation, bantayan ang antas ng tubig at linisin palagi ang mga daluyan ng ilog.
Huwag balewalain ang mga babala at ugaliing makinig sa LGU at maghanda. | via Allan Ortega | Photo via msn
#D8TVNews #D8TV