Nasa 62 barko ng China ang namonitor ng Philippine Navy na nananalagi sa West Philippine Sea mula Pebrero 1 hanggang 28 ngayong taon.
Batay sa tala ng Armed Forces of the Philippines (AFP), namataan ang mga barko sa apat na features sa WPS.
Kabilang dito ang 11 PLA-N at 12 Chinese Coast Guard (CCG) sa Bajo de Masinloc; 2 PLA-N at 15 CCG sa Ayungin Shoal; 6 PLA-N at 7 CCG sa Escoda Shoal; at 5 PLA-N at 4 CCG sa Pag-asa Island.
Bukod dito, aabot naman sa 34 pang Chinese vessels ang namataan sa nasabing mga lugar mula Pebrero 22 hanggang Marso 1.
Sa kabila ng patuloy na presensya ng mga barko ng China sa WPS, iginiit ng AFP na nananatili silang nakatuon sa pangangalaga ng pambansang teritoryo at soberanya ng bansa, alinsunod sa batas at sa pagsusulong ng kapayapaan at international law sa rehiyon.| via Allen Ibañez, D8TV Correspondent
