Umakyat na sa 61 transmission lines sa Luzon at Visayas ang kasalukuyang hindi gumagana dahil sa malalakas na hangin na hatid ng Bagyong Uwan, ayon sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).
Pinakamarami sa Luzon kabilang dito ang mga linya sa Quezon, Bicol, Batangas, La Union, Pangasinan, Isabela, Nueva Ecija, Abra, at Cordillera at sa Visayas naman dalawang 69kV lines ang apektado sa Samar area.
Bukod dito, may mga 115kV, 138kV, 230kV, 350kV, at 500kV na linya rin ang naapektuhan, pero wala pang detalye.
Nag-mobilize na ang mga line crew ng NGCP para sa inspeksyon at sabay-sabay na restoration sa mga accessible na lugar.
Inaabisuhan ang publiko na mag-ingat at maging handa sa posibleng brownout habang nagpapatuloy ang pag-ayos ng mga linya. | via Allan Ortega
