Nagmistulang isla ang Canlaon City sa Negros Oriental matapos ang matinding pananalasa ni Bagyong Tino (Kalmaegi) nitong Martes, kung saan anim ang kumpirmadong patay at marami pa ang nawawala.
Hinagupit ang mga tulay kung saan barado ng bato at putik, bumigay ang mga access roads, at binaha ang buong siyudad. Ang tubig, mula sa bundok at rumagasa diretso sa mga kabahayan. Nagkalat ang mga puno, poste, bato at boulders matapos ang trahedya.
Ilang tulay pa ang di madaanan tulad ng Binalbagan Bridge, Inyawan Bridge, Sitio Alibaybay detour area, at tulay sa Malaiba at Bayog.
Samantala, humingi na si Mayor Jose Chubasco Cardenas ng tulong, at tiniyak naman nina Governor Manuel Sagarbarria at Rep. Emmanuel Iway na paparating na ang assistance habang dalawang disaster teams na rin na rumesponde sa lugar. | via Ghazi Sarip
