6 na suspek, arestado sa Pangasinan

Arestado ang anim na suspek matapos salakayin ng mga awtoridad ang isang hinihinalang drug den sa Dagupan City, Pangasinan.

Sa isinigawang buy-bust operation ng PDEA Pangasinan kasama ang PNP at lokal na pulisya, nadakip ang mga suspek sa Barangay Pantal, Arellano Bani.

Nakumpiska ang 14 na sachet ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng halos 7 gramo, kasama ang iba’t ibang drug paraphernalia, cellphone, at marked money.

Kinilala ang mga suspek sa alyas na sina Glaiza at Marvin na umano’y tagapag-alaga ng drug den, kasama ang apat na iba pa na nagsilbing empleyado at bisita.

Nahaharap sila sa patong-patong na kaso sa ilalim ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Ayon sa PDEA, patunay ito ng patuloy na kampanya laban sa iligal na droga sa Pangasinan. | via Ghazi Sarip

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *