Sinuspinde ng Land Transportation Office (LTO) ang lisensya ng anim na driver na nag-viral matapos magkarera gamit ang kanilang sports car sa Tagaytay.
Ayon sa LTO, mapapawalang bisa ang lisensya ng mga driver sa loob ng 90 araw dahil sa iresponsableng pagmamaneho.
Ayon naman kay Department of Transportation Secretary Vince Dizon, walang puwang sa kalsada ang mga kaskaserong driver.
“Paulit-ulit na sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos na dapat gawing ligtas ang kalsada para sa lahat. Hindi tayo papayag na bastusin at lumabag ang ilang iresponsable at reckless na driver sa traffic rules,” saad ni Dizon. | via Florence Alfonso | Photo via Zhec Fuentes/Facebook
#D8TVNews #D8TV
