Narekober na ng search and rescue teams ang anim na bangkay mula sa bumagsak na Philippine Air Force (PAF) Super Huey helicopter sa Agusan del Sur nitong Martes.
Ayon sa Eastern Mindanao Command, pinaniniwalaang kabilang sa mga narekober ang pilot at crew ng naturang helicopter. Hindi muna isinasapubliko ang kanilang pagkakakilanlan habang hindi pa naipapaalam sa kanilang pamilya.
Sinigurado ng mga tropa mula sa 60th Infantry Battalion, 1001st Infantry Brigade, at 10th Infantry Division ng Philippine Army ang seguridad sa crash site.
Nagpahayag din ng buong suporta ang Army sa imbestigasyong isinasagawa kaugnay sa aksidente.
Ang helicopter ay nagsasagawa ng humanitarian operations para sa mga komunidad na tinamaan ng bagyong Tino nang mawalan ito ng komunikasyon at tuluyang bumagsak sa Loreto, Agusan del Sur. | via Allan Ortega
